Sa kahariang ng mulandia lumaki ang ating mga bida..si mulangaw sa mala enchanted kingdom na palasyo nila,samantalang si mulate nman ay sa barong barong nilang lunga na masmaganda pa ang lunga ng daga. Si mulangaw dahil nagiisang anak ay lumaking spoiled pero namana nito ang kinaugaliang ugali mula pa sa mga ninuno nila
ang magandang puso para sa mga mahihirap at tagasilbi. Bagamat pilya ang batang ito ay magalang ito sa lahat ng mga opisyal at tagasilbi sa buong kaharian at sa palasyo. Isang maputi at magandang bata, laging magara at malinis ang kasuotan. Samantala kabaliktaran nito si mulate kung saan lumaking tahimik at mahiyain,pero matapang kapag kinakailangan, gwapings kahit hindi katabaan,mdming nabibighani sa inosente at maamo nitong mukha kahit pa marumi at butas butas ang suot lagi nitong damit este basahan. Mabilis na tumakbo ang panahon at hndi ko namalayan marami nakong napost sa blog nato,at ngaun nga ay nasa gradeschool na sina mulangaw at mulate,at sisimulan naren naten ang adventure nila na magkasama,ok ba yun? Tingnan nten kung pano pagtitripan ni mulangaw ang makukulit na guro nila sa paaralan at paano nman sya ttulungan ni mulate sakaleng mahuli at mapahamak sya, pagiisipan ko muna kung pano so help me god..
