Thursday, October 8, 2009
Wednesday, September 30, 2009
Monday, September 21, 2009
Mulandia Elementary School (preschool part2)
Sa galit ni ms. Bichin ay agad nyang tinapos ang klase nung araw na yun. At pinaiwan ang magkaibang si mulangaw at mulate. Kinausap ng masinsinan tungkol sa nangyare. Nagpaliwanag si mulate na wag na parusahan si mulangaw. Si mulangaw naman ay nangako na hindi na mauulit yun,at sa susunod na kukunan nya si ms.bichin ay pangfriendster na at ang hindi pang horror film. Dahil malakas itong si mulate ay pinatawad na ni ms. Bichin si mulangaw,pero pag naulit ay isusumbong na sya sa hari at reyna. Sabay na umuwi si mulangaw at mulate. Nagpasalamat si mulate dahil naging masaya ang first day nya sa school dahil kay mulangaw,nagpasalmat din si mulangaw dahil kay mulate ay nalusutan nya ang problema kay ms.bichin. Yun ang simula ng kanilang pagiging bestfriend. Ang magpapasaya at magtatangol sa isat isa...

Mulandia Elementary School (preschool part 1)
Napakabilis ng panahon at ngayon nga ay nasa pre-school program na sina mulangaw at mulate sa mulandia elementary school. Isang malupit na guro ang humawak sa kanila, s Ms. Bichin. Sikat si ms. Bichin hindi lang dahil sa pagiging terror teacher nito,sikat din sya dahil sa edad nyang 40 anyos ay single lady padin sya,0o..matandang dalaga. Ang usap usapan galit daw ito sa mga lalaki pero lihim daw itong nakikipagkita sa isang misteryosong gurong lalaki sa parehong paaralan(blind item). Sa unang araw ng klase ay dumating ang mga estudyante sa isang silid aralan,present dun ang mga bida nating si mulangaw na excited dahil bago lahat ang gamit at uniporme at si mulate na nakaupo sa isang sulok,hindi nagssalita at halos ayaw tumayo dahil butas ang uniporme nito at hindi pantay ang medyas na magkaiba pa ang kulay. Present din ang unang gurong bibida si ms. Bichin at ilan pang estudyante na nasa preschool program. Para sa unang arw na ito ay iniutos ng masungit na si ms. Bichin na magpakilala ang bwat isa. At bibong bibong tumayo si mulangaw sa unahan at nagsimulang nagpakilala. Nagpalakpakan ang buong klase at humanga sa galing at magandang kasuotan ni mulangaw. Sunod na tinawag si mulate,matagal bago nakarating sa unahan dahil sobrang mahiyain. Hindi paman ito nakakapagpakilala ay nagpalakpakan na ang klase,napapalakpak ang klase sa tuwa ng makita ang butas butas na uniporme at di parehas na medyas ni mulate. Kahit malupit si ms.bichin ay magaan ang loob nito kay mulate kaya naman nagmukang halimaw ito hbang sumisigaw ng "tahimeeek". Eksaktong may dalang camera nun si mulangaw at nacaptured nito ang mukha ni ms. Bichin hbang sumisigaw. Samantala, natakot ang buong klase sa ginawang pagsigaw ni ms. Bichin. Sa sobrang pagkapahiya nman ni mulate ay hindi na ito nakapagpakilala at naupo na lamang sa may likuran na walang katabi. Naawa si mulangaw kay mulate kaya pumunta ito sa likuran para makisimpatya. Hindi alam ni mulangaw pano kkausapin si mulate dahil noon lang sila nagkita. Kaya naisipan nitong ipakita ang nakakatawang itsura ni ms.bichin hbang sumisigaw na nakunan nya sa kanyang camera. Hindi napigilan ni mulate ang matawa at humagalpak pa ito ng tawa,natawa rin si mulangaw at nagtawanan sila. Napansin ni ms.bichin ang dalawa at tinanong anong pinagtatawanan nyo?hindi malaman ni mulangaw ang isasagot,lalo pat nakita ni ms. Bichin ang picture nya na nasa camera. Galit na galit si ms. Bichin...itutuloy
Subscribe to:
Posts (Atom)